Paru-Paronng
Siyudad
Paalala: Hindi pa ho ako
ganun ka sanay sa panunula. Malaki po ang posibilidad na ako'y magkaroon ng mga
pagkakamali sa pagsulat. Libre po kayo kung nais niyo akong pagsabihan pero
sana po ay sa maayos at mahinahon na paraan. Salamat. =)
Manila,
Manila
Miss
you like hell, Manila
No
place in the world like Manila
I'm
coming here to stay ~
Ang Manila
Maganda nga ba ang
Manila?
Ewan. Wala naman
talagang malinaw na sagot diyan pero meron akong masasabi sa Maynila.
Kitang-kita at
damang-dama ang pagbaliwala sa kalikasan.
----------------------------------------------------------------------------------------------
Oie. Hindi
ko naman tinitirada ang Lungsod ng Maynila ha =))
Sinasabi
ko ang nakikita ko.
Totoo
naman pero tama, hindi lang Manila ang may problemang ganito =)
----------------------------------------------------------------------------------------------
Sige balik na sa
sinusulat ko...
Nakikita naman talaga na
merong mga taong hindi rumerespeto sa kanilang kapaligiran.
Maaaring ito ay dahil sa
lingid ito sa kanilang kaalaman, hindi nila maintindihan, o wala silang
pakialam.
Grupong nagtatapon ng
sigarilyo sa lansangan
Trabahador ng isang
gasolinahan – sinipa-sipa ang plastic tungo sa may kanal
Sunud-sunod na mga
sasakyang pribado at pampubliko na maitim ang usok
Tindera sa lansangan –
di gumagawa ng sariling basurahan
----------------------------------------------------------------------------------------------
Natuwa ako nung may nakita akong isang tindahan sa kalsada [sidewalk vendor]
na may sariling basurahan
kahit na ang basurahan niya ay simpleng plastic bag
saludo manong at manang tindero at tindera!
----------------------------------------------------------------------------------------------
Dagdagan mo pa ng mga
Sasakyang lumalagpas sa pedestrian lane kung pula ang stoplight. [di ako makadaan -.-]
Taong tumatawid sa hindi
wastong daanan AT may malapit
na umaarangkadang sasakyan
Matatanda, bata, at
maging mga may lakas pang natitira na hindi naturuan o natulungang mabuhay
maliban sa panlilimos =( [see future post]
Ang gulo di ba?
Sa kabila ng lahat ng
ito. Sa kabila ng mga nakikita nating pang-aabuso, paglalabag, at unti-unting pagkawala
ng liwanag
Meron pa ring mga
sumisimbulo ng pag-asa
Para sa akin, ito’y nasa
isang maliit na paru-paro
Isang puting paru-paro
ang nakita ko habang ako’y naglalakad pauwi.
“Isang paru-paro sa
siyudad?” tanong ko.
Palipad-lipad
Paikot-ikot
Nagbibigay ng ngiti
Isang panawagan
Isang paru-parong
siyudad.
Meron pang paru-paro sa
lugar na Maynila.
Meron pa nga sigurong
pag-asa sa bansang Pilipinas…..
Sana’y hindi tuluyang
mawala ang mga paru-paro gaya ng pagkawala ng mga alitaptap
.
Paki po subukang
panatilihin ang mga ‘paru-paro’ sa inyong sariling mga lugar =)
Magandang gabi at
maraming salamat.
References:
znod3/manila.html.
XD
Ay uo! Nang tiningnan ko sa net para siguraduhin
kung may – nga ba ang paru-paro,may nakita akong blog na ang pamagat(?) ay Paru-Parong Siyudad
Watta coincidence =)))
Watta coincidence =)))
actually,
TumugonBurahinmarami akong nakikitang paru-paro =))))