Huwebes, Setyembre 6, 2012

Paru-Parong Siyudad


Paru-Paronng Siyudad

Paalala: Hindi pa ho ako ganun ka sanay sa panunula. Malaki po ang posibilidad na ako'y magkaroon ng mga pagkakamali sa pagsulat. Libre po kayo kung nais niyo akong pagsabihan pero sana po ay sa maayos at mahinahon na paraan. Salamat. =)

Manila, Manila
Miss you like hell, Manila
No place in the world like Manila
I'm coming here to stay ~
Ang Manila
Maganda nga ba ang Manila?
Ewan. Wala naman talagang malinaw na sagot diyan pero meron akong masasabi sa Maynila.
Kitang-kita at damang-dama ang pagbaliwala sa kalikasan.

----------------------------------------------------------------------------------------------
Oie. Hindi ko naman tinitirada ang Lungsod ng Maynila ha =))
Sinasabi ko ang nakikita ko.
Totoo naman pero tama, hindi lang Manila ang may problemang ganito =)
----------------------------------------------------------------------------------------------

Sige balik na sa sinusulat ko...
Nakikita naman talaga na merong mga taong hindi rumerespeto sa kanilang kapaligiran.
Maaaring ito ay dahil sa lingid ito sa kanilang kaalaman, hindi nila maintindihan, o wala silang pakialam.

Grupong nagtatapon ng sigarilyo sa lansangan
Trabahador ng isang gasolinahan – sinipa-sipa ang plastic tungo sa may kanal
Sunud-sunod na mga sasakyang pribado at pampubliko na maitim ang usok
Tindera sa lansangan – di gumagawa ng sariling basurahan

----------------------------------------------------------------------------------------------
Natuwa ako nung may nakita akong isang tindahan sa kalsada [sidewalk vendor]
na may sariling basurahan
kahit na ang basurahan niya ay simpleng plastic bag
saludo manong at manang tindero at tindera!
----------------------------------------------------------------------------------------------

Dagdagan mo pa ng mga
Sasakyang lumalagpas sa pedestrian lane kung pula ang stoplight. [di ako makadaan -.-]
Taong tumatawid sa hindi wastong daanan AT may malapit na umaarangkadang sasakyan
Matatanda, bata, at maging mga may lakas pang natitira na hindi naturuan o natulungang mabuhay maliban sa panlilimos =( [see future post]
Ang gulo di ba?

Sa kabila ng lahat ng ito. Sa kabila ng mga nakikita nating pang-aabuso, paglalabag, at unti-unting pagkawala ng liwanag
Meron pa ring mga sumisimbulo ng pag-asa
Para sa akin, ito’y nasa isang maliit na paru-paro

Isang puting paru-paro ang nakita ko habang ako’y naglalakad pauwi.
“Isang paru-paro sa siyudad?” tanong ko.
Palipad-lipad
Paikot-ikot
Nagbibigay ng ngiti
Isang panawagan
Isang paru-parong siyudad.
Meron pang paru-paro sa lugar na Maynila.
Meron pa nga sigurong pag-asa sa bansang Pilipinas…..

Sana’y hindi tuluyang mawala ang mga paru-paro gaya ng pagkawala ng mga alitaptap
.
Paki po subukang panatilihin ang mga ‘paru-paro’ sa inyong sariling mga lugar =)
Magandang gabi at maraming salamat.


References:

N.A. (N.D.). Manila by Hotdog. Retrieved from:  http://www.angelfire.com/planet/
            znod3/manila.html.
XD

Ay uo! Nang tiningnan ko sa net para siguraduhin kung may – nga ba ang paru-paro,may nakita akong blog na ang pamagat(?) ay Paru-Parong Siyudad
Watta coincidence =)))

1 komento: