Sabado, Setyembre 29, 2012

Hopes

Sana'y 'di malimutan ng mga bagong henerasyon na may 'kalikasan' pa ang mundong ito . . .
=]


---
The thought came to me because of a message from fb
irony? =)) not really

Biyernes, Setyembre 28, 2012

Hopes

I hope the people, especially of the masses, do not abuse 'freedom'.
                                                                  do not 'downgrade' its worth
                                                                  do not change its meaning
                                                                  do not stain its purity

---
Just a thought

Lunes, Setyembre 17, 2012

Monday Morning; Rain's Not Pouring

Galing nga pala sa isa kong kaibigan ang pamagat.Salamat sa kaibigan ko =))
ewan kung nakuha niya rin yan sa ibang tao

Itong post na 'to ay tungkol lang sa nakakatuwang araw na ito. : >
Patawad at wala itong kaayusan. Ito yata ay ang pinaka impormal sa lahat ng impormal =))

1. Trip ko talagang sabihing, "Salamat [insert His name here]! Tinanggap na rin sa wakas ng aming maestra!"    
    =))
2. Marami akong hundred's. Hindi ako mahihirapan sa mga simpleng bayarin. =))
3. Naging matiwasay ang isa kong klase kahit na hindi namin masyadong pinaghandaan.
4. Ang sarap ng hapunan ko. : >
    Iba talaga ang lutong bahay ng mga Pilipino
5. Nakuha ko yung aking mga pinalabhan. Hindi ko na kailangang magtiis sa mga nangangamoy kong damit       
    =)) Oie, hindi naman ako parating nagpapalaba. Paminsan-minsan lang : >
6. Isa lang siguro ang nakakadismaya. Chismis. Yung pagsasalita sa likod ng isang tao. Haaaaay.
    Gossip is indeed a destructive practice. Ang paninira kahit totoo ay paninira pa rin kung ang rason kung      
    bakit ninyo 'siya' pinag-uusapan ay para sa inyong pansariling libangan at hindi para sa ikakabuti ng  
    sinuman. Oie, 'di ko sinasabing masasamang tao sila ha =)) Sinasabi ko lang. Nakakasira siya.  
    Nakakalungkot siya.Yun lang po. =(
7. Pero lahat-lahat, nakakatuwa pa rin ang araw na 'to =)
8. Okaaaaaaayyyyyyyy. Sa kasalukuyan, may nangyayari. Sana maging positibo ako ngayong gabi at sana    
    hindi masira ng mga [medyo kaibigan ko na rin] ang gabi ko =D

Credits to one of my friends for the title =))
I am not sure if she got it from someone else
SOOORRRYYYY to those who can't understand what I just wrote. I am getting lazy =)) I'll try next time =)

Huwebes, Setyembre 6, 2012

[insert dedicated identity here]

Sana po lahat ng ginagawa ko at sinusulat ko ay sumusunod sa kinaloloob Niyo =)

I hope the things that I do and write are under Your will. =)

Paru-Parong Siyudad


Paru-Paronng Siyudad

Paalala: Hindi pa ho ako ganun ka sanay sa panunula. Malaki po ang posibilidad na ako'y magkaroon ng mga pagkakamali sa pagsulat. Libre po kayo kung nais niyo akong pagsabihan pero sana po ay sa maayos at mahinahon na paraan. Salamat. =)

Manila, Manila
Miss you like hell, Manila
No place in the world like Manila
I'm coming here to stay ~
Ang Manila
Maganda nga ba ang Manila?
Ewan. Wala naman talagang malinaw na sagot diyan pero meron akong masasabi sa Maynila.
Kitang-kita at damang-dama ang pagbaliwala sa kalikasan.

----------------------------------------------------------------------------------------------
Oie. Hindi ko naman tinitirada ang Lungsod ng Maynila ha =))
Sinasabi ko ang nakikita ko.
Totoo naman pero tama, hindi lang Manila ang may problemang ganito =)
----------------------------------------------------------------------------------------------

Sige balik na sa sinusulat ko...
Nakikita naman talaga na merong mga taong hindi rumerespeto sa kanilang kapaligiran.
Maaaring ito ay dahil sa lingid ito sa kanilang kaalaman, hindi nila maintindihan, o wala silang pakialam.

Grupong nagtatapon ng sigarilyo sa lansangan
Trabahador ng isang gasolinahan – sinipa-sipa ang plastic tungo sa may kanal
Sunud-sunod na mga sasakyang pribado at pampubliko na maitim ang usok
Tindera sa lansangan – di gumagawa ng sariling basurahan

----------------------------------------------------------------------------------------------
Natuwa ako nung may nakita akong isang tindahan sa kalsada [sidewalk vendor]
na may sariling basurahan
kahit na ang basurahan niya ay simpleng plastic bag
saludo manong at manang tindero at tindera!
----------------------------------------------------------------------------------------------

Dagdagan mo pa ng mga
Sasakyang lumalagpas sa pedestrian lane kung pula ang stoplight. [di ako makadaan -.-]
Taong tumatawid sa hindi wastong daanan AT may malapit na umaarangkadang sasakyan
Matatanda, bata, at maging mga may lakas pang natitira na hindi naturuan o natulungang mabuhay maliban sa panlilimos =( [see future post]
Ang gulo di ba?

Sa kabila ng lahat ng ito. Sa kabila ng mga nakikita nating pang-aabuso, paglalabag, at unti-unting pagkawala ng liwanag
Meron pa ring mga sumisimbulo ng pag-asa
Para sa akin, ito’y nasa isang maliit na paru-paro

Isang puting paru-paro ang nakita ko habang ako’y naglalakad pauwi.
“Isang paru-paro sa siyudad?” tanong ko.
Palipad-lipad
Paikot-ikot
Nagbibigay ng ngiti
Isang panawagan
Isang paru-parong siyudad.
Meron pang paru-paro sa lugar na Maynila.
Meron pa nga sigurong pag-asa sa bansang Pilipinas…..

Sana’y hindi tuluyang mawala ang mga paru-paro gaya ng pagkawala ng mga alitaptap
.
Paki po subukang panatilihin ang mga ‘paru-paro’ sa inyong sariling mga lugar =)
Magandang gabi at maraming salamat.


References:

N.A. (N.D.). Manila by Hotdog. Retrieved from:  http://www.angelfire.com/planet/
            znod3/manila.html.
XD

Ay uo! Nang tiningnan ko sa net para siguraduhin kung may – nga ba ang paru-paro,may nakita akong blog na ang pamagat(?) ay Paru-Parong Siyudad
Watta coincidence =)))